Bansang Nagmamahal sa Sariling Wika

Ano ba ang isang bansa
Na hindi nagmamahal sa sariling wika?
Para itong kanan at kaliwang paa
Sa paglalakad, nagpapasya pa

Kagaya ng masang naapektuhan
Sa di pagkakaunawaan
Sila’y walang makamit na kaunlaran
Di nga nagtutulungan

Kung bibigkasin natin ang wikang sarili
At sa bawat puso’y , Filipino ang pinili
Wala ng mamamayan na mamulubi
Sapagkat lahat tayo’y may Pilipinong gawi

Tayo ay lalago at walang tatalo
Dahil tayo’y may tinatagong sikreto
Malalampas natin ang lahat-lahat
Sana ito’y inyong matanto

Sa Tore ng Babel ko ito maalala
Doon, lahat sila’y sumasagot sa iisang wika
At kahit ano man ay kanilang kaya abutin
Dahil malinaw ang kanilang pagka-unawa

Sila’y yumari ng mataas na gusali
Lahat rin ay nagtulungan
At yung tore ay umabot sa kalangitan
Nakita mo sana ang kanilang kasiyahan

Kung pareha kaya sa Babel ang Pilipinas
Ang publikong nagmamahal sa wika at bansa
Sa dayuhang bagay hindi interesado
Ano kaya ating makakaya ?


Panoorin ang video na nasa ibaba ..
"PILIPINO ka ba ?
Ano ang wika mo?"



Maraming salamat sa grupong MAKATA sa paghandog ng kanilang video tungkol sa wikang filipino ;
Asa, Sabrina
Cruz, Denise Marian
Cruz, Neil Ivan
Gueco, Laiya
Reyes, Mark Lorenzo


Wika ay Katarungan, Kapayapaan at Kaunluran


    
     “Attorney! Attorney! Patulong naman oh. Sa amin po kasing magkapatid ang lupa tapos sabi niya po dapat Joint Tenancy daw. Kakasuhan niya daw po ako sir pag hindi  ako papayag,” sabi ng babaeng  nagpakonsulta sa tatay ko.

     “Ano po kasi ang problema ? Ano po ang rason niya sa pagpapilit Joint Tenancy? Kayo po ba’y namatayan ng tatay…,” banggit ng aking ama.

     “Yun nga po ang problema attorney, hindi ko alam ang ibig sabihin ng Joint Tenancy,” mahinang imik ng ale.
­­     
             ------------------------------------------------------------------------------------------
     
     Ayan ang araw-araw na sitwasyon sa opisina ng aking abogadong ama. Maraming nagtatanong at nagbibiyahe para lang tanungin ang kahulugan  ng ating mga batas at mga karapatan.

     Ito ay sa dahilan na halos lahat na ng kopya ng Saligang Batas na nasa kapwa mamamayan ay nasa wikang Ingles.Ayon rin sa mga imbestigasyon, mahigit 30% ng ating mga kababayan ay nakakaintindi .  Kung meron mang Filipino, hindi ang pangkalahatang populasyon ay nagsasalita ng lenggwaheng ito.

     Maraming naloloko at nadadala, ang mga babaeng nadaya sa “human trafficking” at “sexual harassment”, mga manggagawang nabawian “contractual employment”at mga pangkat-etniko na noon nagmamay-ari ng malawak na lupain ay nalalang at nalansi sa pamimigay nito.

      Kaya nga masasabi natin na ang wika ay mahalagang instrumento sa aspetong ito at pawa lahat rin ng nauugnay sa kaunlaran.

     Totoo nga, kahit ilang beses mo pa bibigkasin, basta nasa Filipino, wika ay katarungan, kaunlaran at kapayapaan.


Nariring mo ba ang Tinig ng Ating mga Bayani ?


“Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng Pamahalaan. Kailangan magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.

Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi maaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginagamit ng lahat.’

Ayan ang wika ni Manuel Quezon ng ipinatupad niya ang Filipino bilang pambansang wika, ang kanyang sariling tinig na nagbabatid ng pangangailangan ng iisang lengguwahe. Sa kanyang  mabuting kagustuhan ay siya’y nagging Ama ng Wika.

Ang matahimik rin na mga salita ng La Solidaridad, na nagsasaad ng nais sa kalayaan at magkaroon ng sariling pamahalaan, bansa at wika. Ang mga makata, kagaya ni Jose Rizal, na sumulat tungkol sa importansya sa pagmamahal ng wika.

Ang rebolusyonaryong KKK, na tumutol at sumigaw sa kaisipan na masailalim sa mga Kastila, walang kalayaan at pagbabawal ng kaugaliang pambansa. Ang patuloy-tuloy na  labanan para sa bansang sarili, wikang atin at pamahalaang malaya.

Ang kanilang tinig ay maririnig parin, hanggang ngayon, sa buwan ng Agosto, ang Buwan ng Wika . Mga binigkas nila, ating sabayan. Ang kanilang sakripisyo, ating pahalagahan.

Gamitin ang wikang sariling-sarili, ang wika na puno ng kabayanihan.

Mabuhay ang Pilipinas ! 

This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook

Kaunlaran at Displina sa Iisang Wika


May bagong pambato ang mga makata ngayon sa sipi ni Josi Rizal na nagsasaad;

Ang di’ marunong magmahal sa sariling wika,
Higit pa sa hayop at malansang isda

Ay ang taludtod;

Kahit hayop na ligaw ay masagana
Sa pagkain’t tirahan may disiplina

Sa inyong palagay, tama ba ang bersong ito? Hindi kailangan ang wika sa pag-uunlad at pagdisiplina ng tao o bansa ?

Ang Pilipinas ay malawak na archipelago na binubuo ng 7, 107 na mga isla. Lahat sila may iba’t ibang kultura at lenggwaheng ginagamit sa pakikipag-usap. Kung nag-iisa lang ang wika ng bansa, lahat tayo’y marunong making at sumunod.




Isipin ang sitwasyon kung may sampung taong may hindi katulad na wika. Lahat sila naghaharap ng isang problema o gustong makatakas sa isang kulungan. Hindi nila mabatid ang mensahe at plano sa isa’t isa. Magkakaroon ng away at gulo.

Ibalik ang iyong tingin sa Pilipinas. Ganito ba rin ang kalagayan? Kung ang wikang pangkalahatan lamang ay Filipino,  hindi na kailangan ng kaguluhan at suliranin.

Pag-isipan.
This is an entry to the Buwan ng Wika 2011 Blog Writing Contest sponsored by the Alabel National Science High School-SAKAFIL and The Teacher’s Notebook




Ang Ating Sariling Wika - Maikling Paalala sa mga Pilipino


Malaking salamat kay Leonard Umeleo sa paggawa ng video na ito.